Bubuksan na ngayong araw sa China ang ginawang bagong pagamutan para sa mga nadapuan ng novel coronavirus.
Mayroong laking 25,000 square-meter ang Huoshensan hospital na isa sa dalawang bagong pagamutan na ipapatayo sa bansa.
Ginawa ang nasabing pagamutan sa loob lamang ng 10 araw mula ng nagkaroon ng outbreak ng nasabing virus.
Nagtulungan ang maraming mga engineers para mapabilis ang nasabing pagtayo ng pagamutan.
Ipinagmamalaki kasi ng China na sila ang may hawak ng record sa pinakamabilis na magtayo ng mga gusali sa loob lamang ng ilang araw.
Nasa mahigit 300 na kasi ang nasawi at mahigit 14,000 ang nadapuan mula ng kumalat ang virus na nagsimula sa Wuhan China.
Gumamit na rin ang China ng mga talking drones para mapagsabihan ang kanilang mamamayan sa kung ano ang kanilang dapat gawin.