Maraming mga movie fans ang nasasabik sa pagsisimula ngayong umaga ng 92nd Academy Awards o kilalang The Oscars na gaganapin sa Los Angeles.

-- Advertisement --

Bukod kasi sa ito na ang pangalawang taon na walang magiging host ay nagiging mahigpit ang mga pelikula na maghaharap.

Ilan sa mga unang beses na makapasok sa award ay ang pelikulang mula sa online streaming na “The Irishman” at “Marriage Story” habang ang unang foreign language film na nakapasok sa award ay ang pelikula mula sa South Korea na “Parasite” na may laban umano sa best picture gayundin ang Golden Globe Best Picture na “1917” na British epic war film.

Taon-taon din ay inaabangan ang pasiklaban ng mga Hollywood stars sa kanilang red carpet gala.