-- Advertisements --

Labis na pagkadismaya ang naramdaman ni tennis star Naomi Osaka matapos na mabigo ito sa Brisbane International.

Tinalo kasi siya ni Karolina Pliskova sa score na 3-6, 7-6(7/4) at 6-4 sa ikalawang round ng torneo.

Sinabi ng Japanese tennis player na hindi ito hadlang para hindi ituloy ang pagsabak sa tennis.

Ipagpapatuloy aniya nito ang pagsasanay para sa pagsabak sa iba’t-ibang torneo.

Magugunitang mahigit isang taon na hindi nakapaglaro si Osaka para iprioritize nito ang mental health at noong Hulyo ay isinilang ang unang anak.