Binigyan ang Pinoy na si kai Sotto ng panibagong pagkakataon para sa kanyang pangarap sa NBA dahil nakatakda siyang maglaro para sa Orlando Magic sa darating na 2023 NBA Summer League sa Las Vegas.
Ang 7’3″ pure blooded Filipino ay kasalukuyang nakapirma sa Hiroshima Dragonflies sa Japan B. League at lilipad patungong United States para sumali sa Magic kung saan siya maglalaro sa Detroit, Indiana, New York, Portland, at isa pang NBA team.
Si Sotto ay hindi na-draft noong 2022 at pagkatapos ay bumalik sa Adelaide 76ers sa NBL bago lumipat sa Japan.
Nag-average siya ng 9.5 points, 6.4 rebounds, 1.4 assists. at 1.4 blocks sa kanyang 21-game appearance sa B.League.
Anuman ang kahihinatnan ng kanyang Summer League, walang dapat sayangin si Sotto dahil makakasama niya ang Philippine national team, Gilas Pilipinas, para paghandaan ang nalalapit na FIBA World Cup.