-- Advertisements --

Pinangunahan ng mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang orientation para sa pilot implementation ng 4Ps Digital Financial Literacy Program nitong weekend sa DSWD Central Office Auditorium sa Quezon City.

Katuwang nila ang partner-agencies sa nasabing aktibidad.

Dumalo rito ang mga kinatawan ng government banks, ilang foundation at mobile banking application representatives.

Dito ay inihanay kung paano ang digital financial services na maaaring magamit ng 4Ps beneficiaries.

Naroon din sa event si Quezon City Social Services Development Department Officer-in-Charge Eileen Velasco, DSWD Undersecretary Adonis Sulit, Assistant Secretaries Marites Maristela, Gina Wenceslao at Julius Gorospe.

Nakibahagi rin sina Directors Gemma Gabuya, Wayne Belizar, Christian Regunay, Monica Shayne Ann Purugganan; pati na sina Strategic Compliance Atty. Franco Sarmiento at DSWD Field Office National Capital Region (NCR) Assistant Regional Director Bienvenido Barbosa Jr.

Habang ang mga kinatawan ng bangko at E-wallet applications ay nagbahagi rin ng ilang mahahalagang punto ukol sa nasabing proyekto.

Target ding maisagawa ang 4Ps Digital Financial Literacy Program sa iba pang mga lugar sa buong bansa.