-- Advertisements --
oil spill in Naujan

Magsasagawa ang Oriental Mindoro ng malawakang paglilinis sa baybayin nito sa Biyernes, Marso 10 dahil mas maraming tao na ang nagkasakit dahil sa oil spill sa karagatan.

Ang pinakahuling datos mula sa pamahalaang panlalawigan ay nagpakita ng karagdagang 25 katao na nagkasakit dahil sa naturang oil spill.

Ang kabuuang kaso ng mga nagkasakit sa lugar ay may kabuuang bilang na 43.

Ayon kay Oriental Mindoro Gov. Bonz Dolor, sa halip na sa Lunes ang clean up ay pinaaga nila ito ng Biyernes upang mas mapigilan ang mga taong nagkakasakit dahil sa tumagas na langis na lugar.

Kasama ng pamahalaan ng lugar ang mga opisyal ng kalusugan, Social Welfare at Environment department sa gagawing malawakang paglilinis.

Sa ngayon, pinapaalalahanan ang mamamayan ng Oriental Mindoro sa posible pa ring pagkalat ng tumagas na langis na mula sa oil tanker ng MT