-- Advertisements --

Nakahandang palawigin ang operasyon ng mga linya ng tren para matulungan ang mga commuter sa gitna ng tigil pasada ng ilang grupo ng transportasyon.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez, magdaragdag ng biyahe ngayong araw ang Philippine National Railways (PNR), the Metro Rail Transit-3 (MRT3), at Light Rail Transit Lines 1 at 2 (LRT1 & LRT2) para maibsan ang epekto ng trasnport strike sa mga mananakay sa mga tren.

Sa PNR, papalawigin ang kanilang operasyon sa pamamagitan ng pagdaragdag ng 14 na biyahe ngayong araw para maging 60 mula sa dating 46 trips.

Magdaragdag ang PNR ng isang trip mula sa Tutuban Station at papalawigin ang biyahe sa halip na aalis ng 7:46 pm ay gagawing 8:46 pm.

Sa MRT3 naman, handa rin itong palawigin ang kanilang oprasyon para sa kanilang last trip mula sa North Avenue Station hanggang alas-10 ng gabi mula alas-9:30 ng gabi gayundin ang biyahe mula Taft Avenue station extended hanggang 10;41 pm sa halip na 10pm.

Saregular trip naman ng LRT2, mula Antipolo station ay handang palawigin ang kanilang last trip hanggang alas-10 ng gabi.