-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nag-isyu na ang Office of the Civil Defense o OCD-Caraga ng orange rainfall warning dakong alas-11:10 kagabi base na rin sa inilabas na weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA dahil sa mga pag-ulan na hatid ng namataang dalawang low pressure area kungsan ang isa ay nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility.

Dahi dito’y may banta ng mga pagbaha sa mga low-lying areas at landslides naman sa mga bukiring bahagi.
Dito sa Butuan ay nagka-landslide na sa Purok 1B, Barangay De Oro, kungsaan isang lane lamang ang madadaan ng mga motorista.

Sa ngayo’y tinatrabaho ng mga tauhan ng Butuan City Engineer’s Office ang apektadong daan upang madaanan na mga motorista.

Cover ng orange rainfall warning ang lalawigan ng Agusan del Norte partikkular ang Butuan City, at mga bayan ng Las Nieves, Buenavista, Nasipit, at Carmen at ang buong lalawigan ng Agusan del Sur.