-- Advertisements --
image 102

Itinakda ng Korte Suprema ang oral arguments para sa petisyong inihain ng Duterte Youth Party-List noong Hunyo 2022 laban kay dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon sa Nobiyembre 14.

Ang naturang petisyon ay kumukwestyon sa naging desisyon ng Comelec na nagpahintulot sa paghalili ni Guanzon bilang nominee ng P3PWD party list.

Sa isang advisory, sinabi ng SC na isasagawa ang oral arguments mula alas-2 ng hapon hanggang alas-5:30 ng hapon sa gusali ng korte suprema.

Binigyang diin din ng kataas-taasang hukuman na sa lahat ng mga partido at kanilang abogado ay striktong pinagbabawalang magkomento sa publiko kaugnay sa mga isyu sa kanilang kaso.

Kung matatandaan, inaprubahan ng Comelec sa pamamagitan ng majority vote ang kahilingan ng partido na iatras ang nominasyon ng orihinal nilang kandidato na sina Grace Yeneza, Ira Paulo Pozon, Marianne Heidi Cruz Fullon, Peter Jonas David, at Lily Grace Tiangco.

Inaprubahan din ng en banc ang bagong listahan ng mga nominee kung saan pinangalanan si Guanzon bilang first nominee.