SUD BAND
-- Advertisements --

Nakatanggap ng dalawang nominasyon ang OPM band na SUD sa 34th Awit Awards.

Nominado nga ang nasabing grupo sa Best Performance by a Group Recording Artist, at Best Rock / Alternative recording para sa kantang “Dumaloy”.

Samantala, sa naging unang pahayag ng five-member band sa 89.5 Star FM Baguio, ibinahagi ng grupo ang kanilang pasasalamat sa mga blessings na kanilang natatanggap at kung ano ang kanilang mga plano sa kanilang karera sa music industry.

“Kung pwede sana, makita namin yung mga listeners ng SUD, at isama na rin natin yung mga stories ng aming mga music videos. Marami pang kailangang abangan dun since yun din yung isa sa mga inaabangan ng mga tao. Very invested yung mga tao sa SUD cinematic universe. Abangan niyo, marami pa kaming pasabog. Of course, abangan niyo din dahil may mga live performances kami [in the future] .”

Nagpasalamat din ang banda sa mga tagapakinig ng Star FM dahil sa suporta na kanilang natatanggap mula sa mga ito.

-- Advertisement --

“Sa Star Nation, number one, thank you for supporting us, and hopefully we get to see you guys there. Sa mga listeners, maraming maraming salamat for that unwavering support and love you’ve given to the band.”

Nakilala ang SUD sa kanilang kantang “Sila”, at kamakailan ay inilabas ng grupo ang kanilang latest full-length album na “Dumaloy”.