-- Advertisements --
Kabilang ang opisyal ng simbahang katolika ang inaresto ng mga otoridad sa Hong Kong dahil umano sa paglabag sa national security law ng China.
Ang 90-anyos na si Cardinal Joseph Zen ay isa sa apat na ikinulong matapos na iniuugnay sa grupo na tumutulong sa mga protesters.
Kasama nitong naaresto ang Cantopop singer at actor na si Denise Ho, dating mambabatas na si Margaret ng at academic na si Dr. Hui Po Keung.
Inakusahan ang mga ito na nakikipagsabwatan sa ilang mga foreign forces.
Sakaling mapatunayan ang pagkakasala ay mahaharap ang mga ito ng habambuhay na pagkakakulong.
Itinuturing naman ng Human Right Watch ang pangyayari bilang nakakagulat na pangyayari sa Hong Kong.