-- Advertisements --

Isinagawa ang opisyal na tinurn-over ngayong araw sa liderato ng Department of Health (DOH) kasabay ng isang linggong pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng ahensiya.

Itinurn-over ni dating Health officer-in-charge at kasalukuyang Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire ang liderato kay Secretary Teodoro Herbosa.

Sinimulan ang seremoniya sa pamamagitan ng formal assumption ni Dr. Ted Herbosa bilang kalihim ng DOH.

Tinanggap ng kalihim ang banner ng DOH mula kay Dr. Maria Rosario Vergeire bilang simbolo ng paglilipat ng authority sa isinagawang flag-raising ceremony.

Nangako naman si Secretary Herbosa sa kaniyang speech na kaniyang ipagpapatuloy ang mabuting pamamahala at mga ipinatupad na proseso ng reporma na sinimulan ni USec Vergeire.

Ipinunto din ng kalihim ang 8-point action agenda nito para ganap na maisakatuparan ang Universal Health Care Act.

Kabilang dito ang (1) Bawat Pilipino, ramdam ang kalusugan; (2) Ligtas, dekalidad, at mapagkalingang serbisyo; (3) Teknolohiya para sa mabilis na serbisyong pangkalusugan; (4) Handa sa krisis; (5) Pag-iwas sa sakit; (6) Ginhawa ng isip at damdamin; (7) Kapakanan at karapatan ng health workers at Proteksyon sa anumang pandemya.