-- Advertisements --

Maaaring pagmultahin ng hanggang Php10-million ang kontrobersyal na Captain’s Peak Garden na isang resort na itinayo sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources, posible itong pagmultahin ng hanggang Php5-million dahil sa pag-operate ng naturang resort noon na itinayo sa isang protected area sa kabila ng kawalan nito ng environmental compliance certificate.

Sabi ni DENR Undersecretary Juan Miguel Cuna, ito ay kaakibat ng criminal liability ng naturang aktibidad na lumalabag naman sa Republic Act 11038 o Expanded National Integrated Protected Areas System Act of 2018.

Aniya, mayroon ding karagdagang minimum of six years hanggang 12 years na pagkakakulong ang maaaring kaharapin na kaso ng pagtatayo ng istraktura sa mga itinalagang protected area nang walang kaukulang permit.

Pero bukod pa rito at maaari pang pagmultahin ang operator ng Captain’s Peak Resort ng Php50,000 hanggang Php5-million para sa administrative violations.

Samantala, sa ngayon ay inaalam pa ng DENR kung mayroon din naging pananagutan ang kanilang tauhan sa lokal matapos na makalusot ng naturang resort sa pag o-operate kagit na mayroon itong temporary closure order noong Setyembre 2023.

Habang muli rin binigyang-diin ng ahensya na malaki ang responsibilidad ng lokal na pamahalaan sa naturang pangyayari.

Matatandaang una nang idinahilan ng lokal na pamahalaan ng Sagbayan, Bohol na hindi raw nila alam ang tulong sa inilabas na Temporary Closure Order ng ahensya laban sa resort, paliwanag na hindi naman tinanggap ng DENR sapagkat una palang anila hidni na dapat ito pinahintulutang makapagtayo istraktura sa isang lugar na itinilagang protekted area sa ilalim ng batas.