Halos nagbalik operasyon na lahat ng mga pantalan matapos ang pananalasa ng bagyong Karding sa Luzon ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Una rito, daan-daang mga pasahero ang na-stranded sa mga pantalan sa southern Luzon at sa Bicol region nang manalasa ang bagyo noong weekend dahilan ng kanselasyon ng ilang biyahe sa karagatan.
Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, nagbalik na sa normal ang operasyon kabilang ang mga pantalan sa Bicol, southern tagalog ,sa Pampanga, Mindoro at Metro Manila maliban na lamang sa bayan ng Matnog sa Sorsogon na may bahagyang nakapila pa sa ilang pantalan.
Subalit ayon sa opisyal, patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa mga pantalan at naglatag ng mga probisyon para sa mga stranded na pasahero.
Sa kabutihang palad naman, walang napaulat na aksidente o nawawalang mga mangingisda sa mga karagatan dulot ng nagdaang bagyo.