-- Advertisements --

Hinikayat ni Quezon City Rep. Precious Castelo ang Inter-Agency Tasf Force (IATF) na payagan ang muling operasyon ng mga motorcycle taxis upang matulungan ang mga ito na muling makabawi sa naging epekto ng COVID-19.

Ayon kay Castelo, kakailanganin munang maglagay ng mga plastic shields sa pagitan ng driver at pasahero para mapanatili pa rin ang preventive protocol na pinapairal sa bansa.

Maaari ring mag-alok ang mga ito ng mas mura, mabilis at convenient na transportasyon para sa mga empleyadong papasok sa kanilang mga trabaho ngunit nahihirapan makasakay.

“They have already permitted motorbike taxis to resume operations in Indonesia. If they can do it, we can do it to help millions of our people who still have no jobs and income due to quarantine restrictions,” saad ni Castelo.

Bukod sa plastic barrier, dapat din magsuot ng personal protective equipment ang mga drivers habang ang mga pasahero naman ay dapat magdala ng sarili nilang helmet at face mask.

Hinikayat din ni Castelo ang paggamit ng cashless payment maging ang government-endorsed contact tracing application na StaySafe.