-- Advertisements --

Nag-anunsiyo ang Department of Transportation (DOTr) sa pagsuspendi ng operasyon ng kanilang MRT-3 at LRT-2 sa panahon ng Semana Santa.

Ayon sa abiso ng DOTr na walang operasyon ang MRT-3 mula Abril 6 o Huwebes Santo hanggang Abril 10 o Easter Sunday.

Ang nasabing tigil operayon ay para mabigyan sila ng panahon ng taunang pag-sasaaayos.

Parehas din ang anunsiyo ng Light Transit Authority ang pagtigil ng operasyon ng LRT-2 mula sa nasabing panahon.

Babalik na lamang sa normal ang operasyon ng LRT-2 at MRT-3 sa araw ng Lunes o sa Abril 10.