-- Advertisements --

Balik operasyon na ang LaGuardia Airport sa New York matapos ang naganap na aksidente.

Bumangga kasi ang Air Canada flight sa fire truck habang ito ay papalapag na kung saan nasawi ang piloto at ang co-pilot nito.

Sinabi ni US Transportation Secretary Sean Duffy na labis silang nalulungkot sa insidente.

Dumating na rin sa lugar ang mga imbesigador ng National Transportation Safety Board para alamin ang tunay na sanhi ng aksidente.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Canadian Transportation Safety Board sa ginagawa nilang imbestigasyon.