Nagpositibo sa coronavirus ang isa sa miyembro ng Japanese rock band na ONE OK ROCK.

TORU
Toru Yamashita/ FB image

Sa kanilang social media account, inanunsiyo ng grupo na nagpositibo sa COVID-19 si Toru Yamashita, ang kanilang gitarista at vocalist.

Kuwento ng grupo na noong Hulyo 27 ng sumailalim si Yamashita sa PCR testing matapos na makitaan ng sintomas ng nasabing sakit.

Kasalukuyan ito ngayon nasa pagamutan sa Tokyo at bumubuti na ang kaniyang kalagayan.

Hindi naman nito nakasalamuha ang kaniyang kasama sa banda kay hindi na sila nagpasuri.

Nauna rito kinansela na ng banda ang kanilang Asia Tour noong Abril dahil sa coronavirus pandemic.