Tuluyan ng kinansela ng ONE Championship ang lahat ng mga aktibidad nila ngayong Abril.

Kinumpiram ni ONE Championship chief executive and chairman Chatri Sityodtong na dahil sa may bagong ipinapatupad na restriction ang Singapore kaya kinansela na nila ang kanilang close-door event.

ONEchamp

Nagpatupad kasi ng partial lockdown mula Abril 7 hanggang Mayo 4 ang gobyerno ng Singapore kaya naapektuhan ang kanilang torneo.

Bukod pa dito aniya ay may ipinapatupad ang gobyerno ng travel restriction kaya lubos na naapektuhan ang biyahe ng ilang mga fighters.

Tiniyak naman nito na ililipat nila sa ibang petsa ang mga ipinagpaliban na laban.