-- Advertisements --

Natukoy na ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang uri ng coronavirus na laganap sa kanila.

Ayon sa US CDC na isang uri ng BA.5 subvariant ang dumapo sa 77.9% sa US.

Ang BA.5 aniya ang siya ring lumalaganap sa iba’t-ibang bansa sa mundo.

Base na rin sa datus ng CDC na ang Omicron subvariant BA.4 ay siyang 12.8% na umiikot na variant sa US.

Nanawagan din ang US health regulators sa mga gumagawa ng bakuna na puntiryahin ang nasabing mga variant lalo na sa mga booster.