-- Advertisements --
Tiniyak ni Ombudsman Samuel Martires na hindi nila bibigyan ng special treatment si Senator Ronaldo “Bato” dela Rosa.
May kaugnayan ito sa pagsisimula ng Ombudsman ng imbestigasyon sa iskandalo sa good conduct time allowance (GCTA) na kinasangkutan ni Bureau of Correction chief Nicanor Faeldeon dahil sa pagpapalaya ng ilang mga high-profile inmates.
Sinabi ni Maritires na lahat ng mga nagtatrabaho sa BuCor at maging ang mga dating namuno doon ay hindi nila palalagpasin.
Mahalaga aniya na imbestigagan ang nagaganap na kurapsyon sa pagpapatupad ng GCTA law.
Magugunitang naging director general ng BuCor si Dela Rosa mula Mayo hanggang Oktubre 2018 kung saan mayroong 120 convicts ang kaniyang napalaya base na rin sa GCTA law.