-- Advertisements --

Tiniyak ng Office of the Ombudsman na gagamitin nila ang kanilang pondo upang mapahusay pa ang kumpiyansa ng publiko sa ahensiya bilang tagabantay at tagabigay ng hustisya.

Itoy matapos aprubahan ng Kamara ngayong Miyerkules ang panukalang P5.05-bilyong budget ng Office of the Ombudsman (OMB) para sa fiscal year 2024.

Si Vice-Chairperson ng Appropriations Committee at Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., ang nag-sponsor ng budget ng ahensya.

Siniguro ni Abante na hindi mapupunta sa wala ang pondo ng Ombudsman kundi mapupunta ito sa mga makabuluhang proyekto.

Sa panig naman ni Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano hiling nito na rebyuhin ang hiling ni Ombudsman Samuel Martires na tanggalin ang Annual Audit Report (AAR) mula sa General Appropriations Act (GAA).

Inihayag kasi ni Martires nuong panel deliberation na para maiwasan ang premature at maling konklusyon sa mga government officials tanggalin o alisin na lamang ang Annual Audit Report.

Binigyang-diin ni naman ni Paduano na ang “pangunahing priyoridad” ay dapat pa ring palawigin ang karapatan ng publiko na maipaalam ang paggamit ng pamahalaan ng pampublikong pondo.

Dapat hindi ipagkakait ang ilang impormasyon sa pag-audit dahil maaari nitong palalain ang reputasyon ng gobyerno dahil maaaring maisip ng mga tao na maaari na mayruong itinatago sa ilang mga transaksyon mula sa public scrutinity.