-- Advertisements --

Inalis ng Ombudsman ang mga restriksiyon sa pagkuha ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno sa bisa ng Memorandum Circular 3 na inilabas nitong Martes.

Ayon sa Ombudsman, ang desisyon ay naglalayong itaguyod ang transparency bilang pananggalang laban sa korapsyon, dahil may karapatan ang publiko na malaman kung paano nakuha at pinamamahalaan ng mga opisyal ang kanilang yaman.

Maaaring inspeksyunin at kopyahin ang mga SALN 10 araw matapos ang huling araw ng pagsumite mula sa lahat ng ahensya ng gobyerno.

Ang kahilingan ay dapat isumite sa Public Assistance and Corruption Prevention Office (PACPO) o Public Assistance and Corruption Prevention Bureau (PACPB).

Maaari ring maghain ng reklamo sa Ombudsman Field Investigation Office (FIO) kung may ebidensya ng hindi maipaliwanag na yaman.

May mga impormasyon na aalisin sa SALN bago ito ibigay sa publiko, tulad ng kumpletong address, detalye ng menor de edad na anak, lagda, at ID numbers.

Hindi rin ibibigay ang SALN kung ang layunin ay para sa komersyal na paggamit o upang impluwensyahan ang isang kaso.