-- Advertisements --
Pinagmumulta ng Office of the Ombudsman ng P30,000 si Cebu Governor Gwen Garcia.
Ito ay matapos na napatunayan ng Ombudsman na guilty si Garcia dahil sa hindi pagtugon nito sa kaniyang suspension order.
Nitong Abril kasi ay naglabas ang Ombudsman ng suspension order kay Garcia ng hanggang anim na buwan.
May kaugnayan ang kaso sa pagbibigay ng permit sa construction company na kulang naman sa environment clearance .
Ang suspension ay lumabas dalawang linggo bago ang halalan sa Mayo 12 kaya nagmatigas si Garcia na hindi ito tutugon.