-- Advertisements --

Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na wala pa siyang nakikitang ebidensya direktang nag-uugnay kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa isyu ng korapsyon sa flood control.

Ito mismo ang nilinaw ni Ombudsman Remulla patungkol sa mga hakbang isinasagawa ng tanggapan hinggil sa kotrobersyal at maanomalyang mga proyekto.

Buhat ito nang ilabas kamakailan ni former Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ang kanyang ‘online video revelation’ nagdadawit sa ilang matataas na opisyal ng pamahalaan kabilang ang pangulo.

Subalit ibinahagi ni Ombudsman Remulla na wala pang tiyak na basehan nagtuturo sa Pangulo bilang isa sa mga responsable o sangkot sa kontrobersiya.

Pagtitiyak ng opisyal na kanilang hindi isasantabi ang mga alegasyon at paratang sa mga opisyal na sinasabing dawit sa anomalya.

Giit niya’y hindi kinuha ang posisyon pagka-Ombudsman upang gamitin at pagtakpan lamang ang sinuman.

Kung kaya’t kanya pang pinaliwanag na kahit mga paratang o alegasyon pa lamang ay maaring na nila itong suriin at imbestigahan.

Saklaw aniya ito ng kapangyarihan ng Ombudsman na siyang pwedeng maglunsad ng ‘motu proprio investigation’.