Dumating na sa France ang Olympic flame mahigit dalawang buwan bago ang Paris Olympics.
Ang nasabing Olympics flames ay bumiyahe ng 12-araw mula a Greece lulan ng 128-taon na three-masted tall ship na ginamit mula pa noog unang panahon.
Bitbit ni Florent Manaudou ang 2012 France Olympic men’s 50 meters freestyle swimming champio ang nasabing Olympic flame.
Ipinasakamay nito kay Paralympic athlete Nantenin Keita na gold medalist sa 400 meters noong 2016 Rio Olympics at pagkatapos nito ay ipinasa kay Marseille-born rapper Jul kung saan doon na sinindihan ang cauldron sa harap ng nasa mahigit 150,000 katao.
Sinabi ni French President Emmanuel Macron na ang pagdating ng Olympic flame ay senyales na pagtatapos na ng paghahanda nila sa Olympics na magsisimula sa huling linggo ng Hulyo.
Naging mahigpit ang ipinatupad na seguridad kung saan mahigit 7,000 na mga kapulisan ang ipinakalat sa Marseille Old Port.