-- Advertisements --
Naibalik na ng Hamas ang lahat na mga bangkay ng mga bihag nila.
Ayon sa grupo na lahat ng mga maaring mahanap nila ay nasa kustodiya na ng Red Cross.
Isasailalim naman ng Red Cross ang mga bangkay sa pagsusuri para makuha ang pagkakilanlan din ng mga ito.
Kasabay din nito ay napalaya na rin ng Israel ang mga Palestino na kanilang ikinulong.
Nanawagan naman ang US sa Hamas na alisin na ang kanilang mga armas bilang bahagi ng ceasefire deal.
Una ng sinabi ni US President Donald Trump na inaayos na nila ang ikalawang bahagi ng ceasefire.