Muling bumalik sa kaniyang dating coach si Singapore Olympic butterfly champion Joseph Schooling.

Ito ay bilang paghahanda para Tokyo Olympics sasailalim ito sa pagsasanay sa U.S. sa ilalim ng kaniyang dating coach na si Sergio Lopez.

Nabigo kasi ang 24-anyos na ma-qualify sa 100 meter semifinals sa world championships sa Gwangju, South Korea noong nakaraang taon.

Nagtapos ito sa pang-24th na mayroong 2.54 seconds na mas mabagal sa kaniyang 2016 Olympic record.

Sinabi nito na nais niyang bumalik sa ilalim ng pagsasanay ng Spaniard coach.

-- Advertisement --

Magugunitang tinalo ni Schooling si American great Michael Phelps sa 100 meters butterfly sa final noong Rio Olympics.