Iniulat ng Philippine Space Agency (PhilSA) na base sa satellite images naanod ang tumagas na langis sa Oriental Mindoro pa-hilagang direksiyon patungong Verde Island passage.
Ibinunyag din ng PhilSA’s Supervising Science Research Specialist Engineer Roel de la Cruz na ilang portion ng oil spill ay umabot na sa may Verde Island.
Bagamat sinabi din ni De La Cruz na kailangan pa rin ng ground observation para mamonitor ang tunay na epekto ng oil spill.
Base pa sa kuhang satellite image mula sa ahensiya, ayon kay PhilSA Deputy Director General Dr. Gay Jane Perez na ang lawak ng tumagas na langis ay halos kapareho na ng size ng lungsod ng Quezon.
Umaabot na aniya sa 112 square kilometers ang apektado ng oil spill.
Sa data mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Martes, nasa 172,928 katao o 36,658 pamilya sa Mimaropa at Western Visayas ang apektado ng oil spill.
Mayroon ng kabuuag 203 katao naman ang nagkasakit dahil sa tumagas na langis.