-- Advertisements --

Iitinuturing ngayon si American tennis player Venus Williams na pangalawang pinakamatandang babae na nagwagi sa WTA Tour-level single match.

Tinalo kasi nito si 22-anyos Peyton Stearns sa Washington Open.

Hindi pinaporma ng 45-anyos na si Williams ang world number 35 at kapwa Americans sa score na 6-3, 6-4 sa unang round ng torneo.

Nanguna kasi si Martina Navratilova na sa edad na 47 ay nagwagi ito sa WTA match noong 2004.

Mula noong Marso 2024 ay seven-time singles Grand Slam winner.

Sinabi ni Williams na hindi ito nagretiro kahit na inilagay ng WTA na ‘inactive’ status dahil sa hindi paglalaro ng mahigit 16 na buwan.