-- Advertisements --

Kumikilos na ang mga awtoridad para ma-contain ang tumagas na langis mula sa lumubog na Philippine-flagged Motor Tanker Terra Nova sa may parte ng Manila Bay sa may bayan ng Limay sa probinsiya ng Bataan.

Ayon kay Philippine Coast Guard Rear Admiral Armand Balilo, sakaling lahat ng 1.4 milyong litro ng langis na laman ng tanker ay tumagas sa dagat, maaaring umabot ito sa baybayin ng kapital ng bansa sa Maynila.

Kung nagkataon ito na ang maituturing na pinakamalalang oil spill sa kasaysayan ng bansa.

Sa kasalukuyan, ayon sa PCG official tanging ang working fuel ng tanker o langis na ginamit ng tanker ang tumagas na minimal lamang.

Mayroon naman aniyang contingency plan ang ahensiya kabailang na pagdating sa worst-case situation.

Pinakilos na rin ang marine environmental protection personnel ng PCG para mapigilan ang oil slick.

Nagpadala na rin ang PCG ng personnel sa Navotas, Bulacan at pampanga para imonitor at paghandaan ang posibleng oil spill kasunod ng insidente at idineploy na rin ang BRP Melchora Aquino para magsagawa ng serach and rescue operations.

Ayon sa opisyal, nasa 16 mula sa 17 crew na lulan ng tanker ang naisalba na at patuloy na hinahanap ang mga nawawalang tripulante.

Una rito, patungo sana ang MT Terra Nova sa Iloilo para maghatid ng langis nang tumaob at kalauna’y lumubog ang tanker sa silangan ng Lamao Point sa bayan ng Limay bandang 1:10am nitong Huwebes.
Top