-- Advertisements --

Patuloy pa rin umanong mino-monitor ng lokal na pamahalaan ng Puerto Galera sa Oriental Mindoro ang oil spill mula sa lumubog na motor tanker sa Oriental Mindoro.

Ito ay kahit hindi na nakaraitng sa Puerto Galera ang naturang oil spill.

Sinabi ni Puerto Galera Mayor Rocky Ilagan na wala rin umanong fish kill at hindi pa rin apektado ang mga mangingisda sa kanilang bayan.

Nakatanggap na rin umano ang mga ito ng inspection report mula sa Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay ng sitwasyon sa Verde Island passage.

ANiya, negatibo naman daw ang ocular inspection sa lugar at bina-vinalidate rin nila ang mga lumabas na report na may mga fishkill sa area.

Hindi naman inaalis ni Ilagan ang posibilidad na mayroong kaunting oil slick na tatama sa Puerto Galera.

Gayunman, nakahanda na raw dito ang local government lalo na ang kanilang conventional oil spill booms.

Puwede rin umano silang humiram sa ibang lugar sakaling kailanganin nila ng mas maraming spill booms.

Una rito, sinabi ng Department of Tourism (DoT) na nasa 61 tourist sites ang apektado ng oil spill mula sa MT Princess Empress na lumubog noong Pebrero 28 sa Naujan.

Mayroon itong kargang 800,000 liters ng industrial fuel.