-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng bawas presyo sa kanilang produkto.
Karamihan sa mga ito ay ipinatupad ang bawas presyo kaninang ala-6:01 ng umaga.
Mayroong P2.20 ang ibabawas sa kada litro ng gasolina habang mayroong P2.70 naman sa kada litro ng diesel.
Ang kerosene naman ay mayroong bawas na P2.55 sa kada litro.
Itinuturing na dahilan ng Department of Energy na ang bawas presyo ay base na rin sa paggalaw sa world market.