-- Advertisements --

Posibleng magkaroon ng bawas presyo sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy (DOE) na maaring maglaro mula P0.50 hanggang P0.80 ang ibabawas sa kada litro ng gasolina.

Maglalaro naman mula P0.10 hanggang P0.40 ang rollback sa kada litro naman ng diesel.

Sinabi pa ni Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Director, Rino Abad, na maging ang kerosene ay mayroong malaking bawas presyo.

Malalaman pa sa araw ng Lunes kung magkano ba ang halaga na ipapatupad sa bawas presyo na kadalasang sa araw ng Martes ito naipapatupad.