Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis ng bawas-presyo sa kanilang produkto.

Mayroong P0.30 ang ibababawas sa kada litro ng gasolina at kerosene.

Mayroon namang P0.10 ang ibabawas sa kada litro ng diesel.

Itinuturong dahilan ng bawas presyo ay ang pagbaba ng presyo ng langis sa world market.

Magiging epektibo naman ang nasabing bawas presyo sa darating na Martes, Disyembre 10.