-- Advertisements --
Magkakasabay ang mga kumpanya ng langis na nagpatupad ng panibagong taas presyo ng kanilang produkto.
Simula kaninang ala-6 ng umaga ng ipatupad ang P1.50 sa kada litro ng diesel habang mayroong P1.90 sa kada litro ng gasolina.
Nagkaroon naman ng P2.50 sa kada litro naman ng kerosene.
Iot na ang pang-anim na sunod na linggo na nagpatupad ng taas presyo ng mga produktong langis.
Itinuturong dahilan naman ng Department of Energy ay ang pagbawas ng produksiyon ng mga langis ang Saudi Arabia.