-- Advertisements --
Sinimulan na ng mga iba’t-ibang kumpanya ng langis ang kanilang dagdag presyo.
Mayroong tig-P0.55 sa kada litro ang itinaas sa gasolina at diesel.
Nagdagdag naman ng P0.70 sa kada litro ng kerosene.
Unang nagpatupad ng dagdag presyo ng kanilang produkto ang Caltex na nagsimula nitong 12:01 ng hatinggabi habang kaninang alas-sais ng umaga ay magkakasabay ang mga kumpanyang Shell, Flying V, Petron, PetroGazz,at Phoenix Petroleum habang mamayang alas-4 p.m ay ang Cleanfuel.
HIndi naman magpapatupad ng dagdag presyo ang mga lugar na binayo ng bagyong Odette.