-- Advertisements --

Nagsimula na ng mga kumpanya ng langis na magtaas ng kanilang presyo ng produkto.

Ito na ang pangwalong magkakasunod na linggo na pagtaas sa presyo ng gasolina at pang-13 beses sa diesel.

Mayroong P1.15 sa kada litro ang itinaas sa bawat litro ng gasolina habang mayroong P0.60 sa kada litro ang itinaas sa kada litro ng diesel.

Umabot naman sa P0.65 sa kada litro ang itinaas sa kerosene.

Itinuturong dahilan ng mga kompaniya ng langis ang mataas na demand ng langis sa international market sa panibagong oil price hike.