Nakaamba na namang magtaas ang presyo ng mga produktong langis sa bansa sa susunod na linggo.

Maglalaro mula P0.75 hanggang P0.85 ang itataas sa kada litro ng diesel habang mayroong P0.70-.080 sa kada litro ng gasolina.

Wala namang pagtaas sa presyo ng kerosene kung saan inaasahan na ipapatupad ito ng Martes.

Magtataas naman ang presyo sa Mayo 1 ang Liquified Petroleum Gas (LPG).

Papalo mula P0.50 hanggang P1.00 sa kada litro o P11.00 dagdag sa bawat 11 kgs. na tanke ng LPG.

-- Advertisement --