-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo ng kanilang mga produkto.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang dagdag na P0.20 sa kada litro ng gasolina habang mayroong P0.40 naman na dagdag sa kada litro ng diesel.
Ang kerosene naman ay mayroong dagdag na P0.20 sa kada litro.
Ito na ang pang-10 sunod na linggo na magtaas ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na ang dahilan ng taas presyo ay dahil sa anunsiyo ng Russia at Saudi Arabia na boluntaryong pagbawas ng oil supply.
Maari rin aniya sa susunod na linggo ay magkakaroon muli ng taas presyo.