-- Advertisements --

Asahan ang panibagong oil price hike sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng Department of Energy maglalaro mula P0.40 hanggang P0.70 ang idadagdag sa kada litro ng diesel.

Habang mayroong P0.10 hanggang P0.30 naman ang itataas sa gasolina.

Mayroong P0.50 hanggang P0.80 ang idadagdag sa kada litro ng kerosene.

Malalaman ngayong araw ng Lunes kung magkano ang panibaong oil price hike na kadalasang magiging epektibo sa araw ng Martes.

Ito na ang pang-walong beses na nagpatupad ng dagdag presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.