-- Advertisements --

Asahan na naman ang panibagong taas presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Base sa monitoring ng Department of Energy na posibleng magkaroon ng pagtaas ng P1.00 sa kada litro ng gasolina at diesel.

Mayroon namang P2.00 ang itataas sa kada litro naman ng kerosene.

Malalaman lamang sa araw ng Lunes ang tunay na taas presyo na kadalasang ipinapatupad sa araw ng Martes.

Itinuturing na ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay dahil sa galawan mula sa international markets.