-- Advertisements --

Naniniwala ang oil minister ng Norway na nagkaroon ng sabotahe sa pipeline leaks sa ng Nord Stream ang nagsusuplay ng gas sa ilang bansa sa Europe.

Sinabi ni Norwegian Minister of Petroleum and Energy Terje Aasland na may mga indikasyon silang nakita na isang pananbotahe na kagagawan ng Russia.

Magugunitang nadiskubre ng mga otoridad ang tatlong leaks sa Nord Stream 1 at Nord Strem 2 pipeline malapit sa Bornholm Island sa Baltic Sea.

Nitong Martes kasi ay nakaranas ng pagsabog ang Swedish seismologist sa pipelines.

Una na ring sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken na isang uri ng pananabotahe ang nangyaring leaks sa Nord Stream pipeline.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.