-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Umapela si Land Transportation Office o LTO-Caraga officer-incharge o OIC regional director Joel Consulta sa publiko na huwag munang husgahan ang siyam nilang mga enforcers na nahuli sa inilunsad na joint entrapment operation sa pangunguna ng mga personahe ng LTO-Central Office.

Inihayag ng opisyal na habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng kanilang sentrong tanggapan, mas mabuting huwag muna silang husgahan dahil may mga pamilya umano silang masaksaktan.

Nangako ang opisyal na kung mapatunayang totoong nangingikil ang mga nahuli, ay bibigyan sila ng karampatang parusa base sa kanilang ginawa.

Ito’y dahil hindi dapat konsentihin ang mali nilang ginawa lalo na’t hindi umano dapat gamitin sa kalokohan ang pagpapatupad ng batas.

OIC-Regional Director ng LTO-Caraga, umapela sa publiko na huwag munang husgahan ang 9 nilang mga enforcers na nahuli sa entrapment operation sa Agusan del Norte.