-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nanawagan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia sa pamahalaan ng Pilipinas na ibigay ng pangakong $200 na tulong sa kanila.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jerry Layco, OFW sa Jeddah, Saudi Arabia, sinabi niyang mahigpit ang lockdown na ipinatupad ng Kingdom of Saudi Arabia dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 doon.

Dahil limitado ang kanilang galaw, at “no work, no pay” sila ngayon, giniit ni Layco na malaking tulong para sa kanilang mga apektadong OFWs sa Saudi Arabia ang ipinangakong $200 ng Philippine government.