KORONADAL CITY – Umaapela ngayon ang mga OFW’s sa Hongkong na maisama sila sa mga makakatanggap ng incentives mula sa gobyerno dahil sa patuloy na paglala ng coronavirus disease or COVID-19.

Ito ang inihayag ni Jho Apura Lim, OFW sa Hongkong na residente ng lungsod ng Koronadal sa panayam ng Bombo Radyo Korondal.

Ayon kay Lim, isang opisyal umano ng Hongkong ang nagsusulong na bibigyan ng 10 thousand Hongkong Dollars ang mga mamamayan sa nabanggit na bansa lalo na ang mga direktang apektado kasama na ang mga nagtatrabaho doon at mga na-terminate.

Ito ay dahil marami umanong mga Pinoy sa Hongkong ang nawalan ng trabaho, hindi na makalabas sa bahay ng kanilang mga employer at pinagbabayad pa ng kanilang mga pangangailangan laban sa virus.

Ngunit, hindi naman umano lahat dahil may mga mababait na employer din na isinusulong ang kapakanan ng kanilang mga workers.

Sa ngayon ay marami pa umanong mga OFW’s ang nais na makauwi sa bansa dahil sa lumalalang epekto ng COVID-19.