-- Advertisements --

Aabot na ng 320,000 ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na natulungan ng gobyerno na makauwi ng kani-kanilang probinsya , ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Nasa 319,333 OFWs naman ang napauwi na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa kani-kanilang mag lugar matapos mag-negatibo ang mga ito sa coronavirus disease.

Sinagot ng OWWA ang hotel accomodation at pagkain ng mga repatriatd OFWs habang hinmihintay nila ang resulta ng kanilang COVID-19 test. Pinangunahan naman ng DOLE ang pagpapauwi sa mga ito.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, walang humpay ang ginagawang pagtatrabaho ng OWWA upang tiyakin lamang na naibibigay nito ang pangangailangan ng mga OFWs.

Mananatili rin aniya ang ginagawa ng DOLE na monitoring sa kondisyon ng mga OFWs at magpa-abot na rin ng tulong.

Ipinagmalaki rin ni Bello ang magandang recovery rate sa mga kababayan nating tinamaan ng COVID-19 sa ibayong dagat.

Sa 111 infected Filipinos sa Israel ay 103 na ang gumaling . Wala ring naitalang bagong kaso ng namatay sa 3,577 infected OFWs sa Qatar.

Para naman sa mga Pilipino na nasa Europe, 108 ang gumaling sa Spain; 8 sa France; 5 sa Portugal; at 6 naman sa Andora. Nakapagtala naman ng 82 recoveries sa Germany.

Gumaling na rin ang pitong OFWs na nasa Belgium habang dalawa naman sa Netherlands at Luxembourg.