-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Kinukumpirma na ng Embahada ng Pilipinas sa China ang kabuohang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nais ng umuwi sa bansa kaugnay ng novel coronavirus.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana, 50 sa 300 na mga OFW sa Hubei province ang nais ng makabalik sa Pilipinas.

Tiniyak naman ng opisyal na bukas ang Philippine Consulate sa Shanghai na tumanggap ng mga nais ng bumalik sa bansa at agad na magpapa-schedule ng flight.

Subalit hindi muna papayagan na makauwi ang mga ito sa kanilang pamilya, dahil kailangan pang sumailalim sa 14-day quarantine.

Nabatid na ngayong araw o bukas na magsisimula ang pagpapauwi sa mga apektadong OFW.