-- Advertisements --

Sinaksihan ni US President Donald Trump ang paglagda ng kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng Thailand at Cambodia pagdating niya sa Malaysia kaninang tanghali.

Nagpa-abot din si Trump ng kaniyang pakikiramay sa pagkamatay ng Reyna Ina ng Thailand, si Queen Sirikit, ina ng kasalukuyang hari na si King Vajiralongkorn.

Dahil sa pagpanaw ng Reyna Ina, ipinagpaliban ni Thai Prime Minister Anutin Charnvirakul ang kanyang pagdalo sa ASEAN Summit, ngunit tiniyak na dadalo pa rin siya sa pirmahan ng peace deal kasama sina Trump at ang Prime Minister ng Malaysia.

Ang kasunduan ay layong tuldukan ang matagal nang tensyon sa pagitan ng Thailand at Cambodia, na nagresulta sa mahigit 40 nasawi at 300,000 lumikas noong Hulyo.

Ayon sa mga ulat, si Trump mismo ang nagsulong ng tigil-putukan sa dalawang bansa matapos ang limang araw ng bakbakan.

” This is so exciting because we did something that a lot of people said couldn’t be done, and we saved maybe millions of lives on this one peace deal itself,” pahayag ni President Trump.