Hinikayat ngayon ng Department of Health (DoH) ang lahat ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nabakunahan sa ibang bansa na nakauwi na sa bansa na magpaturok ng booster shots ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine.
Ayon kay DoH Sec. Myrna Cabotaje, puwede nang magpa-booster shot ang mga OFWs basta’t anim na buwan na silang nabakunahan para sa ilang vaccine.
Aniya, puwedeng mamili ang mga OFWs ng booster shot ng covid vaccine pero depende pa rin ito ng availability ng mga bakuna.
Todo naman ang paalala ng opisyal sa mga magpapabakuna ng booster shot na sundin ang panuntunan gaya na lamang ng kung ilang buwan pa bago sila puwedeng bakunahan depende na rin sa vaccine na una nang nabakuna sa mga ito.
Samantala, nilinaw naman ni Cabotahe na hindi na kasali sa Bayanihan, Bakunahan ang datos na naitala sa extension ng bakunahan mula kahapon hanggang sa ngayon.
Maikokonsidera na raw itong regular na bakunahan at pinalawig lang nila ang vaccination para hindi masira ang momentum sa 3-day vaccination program ng pamahalaan.